Havaianas VS Spartan


Pangalan: Havaianas

Lugar na Pinanggalingan: São Paulo, Brazil

Pagbigkas:

ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)

hah-vee-ah-naz (American English)OMG!

hAH- va- yaH-naZz (Filipino)

Materyal na Ginamit: Malupit na goma (High-quality rubber).

Presyo: Hindi ko alam. Ganito na lang,1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan

Mga Nagsusuot: Mga konyotik at mga mayayaman.

Malulupit na Katangian at Kakayahan:

– Masarap isuot.

– ‘Shock-absorbent ‘

– Malambot ngunit matibay.

– Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy.

– Maaaring isuot sa loob ng Starbucks.

– Mainam na pang-japorms.

– Mainam i-terno sa iPod at Caramel Macchiato.

– Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa.

– Maaari ka nang magdi-kwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan.

– Magiging ‘fashionable’ ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy.

Olats ma mga Katangian:

– Mahal!Mahal!Mahal!_____ _____ _____ _____ _____ _____ _____ __

Pangalan: Spartan

Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila , Philippines

Pagbigkas:

spar-tan (American English)

is-par-tan (Filipino)

Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber).

Presyo: Wala pang P50. Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.

Mga Nagsusuot: Ang masa! Nyahaha!

Malulupit na Katangian at Kakayahan:

– Maaring ipampatay sa ipis.

– Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho.

– Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan.

– Pwedeng ipamalengke.

– Mainam gamitin sa tumbang-preso.

– Mainam gawing ‘shield’ kapag naglalaro ng espa-espadahan.

– Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko.

– Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno.

– Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi.

– Kapag ginupit-gupit nang pahugis ‘cube,’ e maaari mo nanggawing pamato sa larong Bingo na kadalasang makikita sa mga lamay ng patay).

Olats na mga katangian:

– Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang hisura.

– Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa.

– Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas