Electric Bill sa Pinas


A friend sent this in my e-mail:

Bilib ako sa commercial ni Juday, biro mo naipaliwanag niya in 30 sec ang masalimuot na system loss na yan.

Tama si Juday sa kanyang paliwanag ng system loss, pero kung tayo ang bibili ng yelo at ayaw talaga nating mabawasan ang yelong binili, siempre magdadala tayo ng styrofoam ice box o Coleman.

Ang tawag diyan ay increase the efficiency. Kung baga sa mga distribution utilities ayusin nila nang husto ang electrical network, pati na ang mga substation and step-down transformers para nagooperate sila sa maximum efficiencies. Kung lumang-luma na,palitan o di kaya imaintenance. Tapos, i-reduce, at kung maaari ay alisin, ang mga administrative inefficiencies, tulad ng wrong meter readings, pilferage! at kung ano ano pa.

At alam ba ninyo na hindi lang Meralco ang nagpapasa ng system loss? Pati ang TRANSCO na government owned at siyang nagme-maintain ng power grid. Balak ipasa or naipasa na ng TRANSCO ang 2.98% ng system loss nya sa Meralco at siyempre kanino pa ba naman iyan sisingilin ng Meralco.

Ngayon alam na natin kung bakit natunaw ang yelong binili ni Juday pero part pa lamang yan ng equation kung bakit mataas ang singil ng ating koryente, kunin ang electric bill at heto ang component ng ating electric bill:

  • Generation charge
  • Tax on Generation charge
  • Transmission charge
  • Tax on Transmission charge
  • System loss
  • Tax on System Loss
  • Distribution, Metering and Supply charges
  • Lifeline rate subsidies
  • Tax on distribution, metering and supply charges and lifeline rate
  • subsidies
  • Local franchise tax
  • Universal charges

I-add mo lahat yan at yan ang total electric bill mo pero napansin nyo ba sa isang electric bill limang tax ang babayaran natin?

Para lalo nating mapansin, ganito ang flow ng kuryente bago dumating sa bahay naten.

Ang Napocor or IPP ang magpo-produce ng koryente bago pa makaalis ng planta ang koryente, magabayad na tayo ng tax na 51 cents/kwh.

Ang kuryenteng iyan ay padadaanin ngayon sa TRANSCO, papunta sa distribution utility natin gaya ng Meralco. Muli tayong bubuwisan ng gobyerno, this time 11 cents/kwh

Pag nakarating sa meralco ang kuryente, muli sisingilin tayo ng buwis ng gobyerno, ng distribution tax at franchise tax.

At dahil magbabayad tayo ng system loss muli na naman tayong bubuwisan ng gobyerno ng system loss tax.

At eto pa ang kwela sa lahat, after i-total ang iyong electric charges, papatawan kang muli ng tax! This time yung 12% e-vat.

Imagine limang tax na binayaran mo, yung tax na yun eh bubuwisan pang muli ng isa pang tax.

Ang alam ko po sa batas bawal ang double taxation pero sa ginagawang ito ng gobyerno siguro naaayon na sa batas kase lampas na sa double eh (sarcastic lang po).

At upang madagdagan pa ang sama ng loob nating mga Filipino, ang Napocor ayon sa batas ay kinakailangan mag-imbak ng supply ng coal na tatagal ng 5 taon pero ano ginagawa ng Napocor, sasairin nila yung supply nila ng coal upang tumagal lamang ng isang taon, at dahil paubos na, mapipilitan silang mag conduct ng emergency purchase na di na dadaan sa bidding or kung dumaan man, dahil sa ikli ng time table, walang makakapag bid.

SO si Napocor bibili ng coal, hindi sa lowest bidder, kundi sa kanilang preferred suplier. Ang masaya pa, ang laki na ng patong, higit pa sa doble ng actual price ng coal sa market. Idagdag pa dyan ang arkila ng mga barko na gagamitin sa pagta-transport ng coal na siyempre muling pagkakakitaan ng mga Napocor executives.

Sobra na nga pinapataw na tax sa atin, ninanakawan pa tayo ng gobyerno natin. Ang saya ng buhay sa pilipinas no?? 

Share/Bookmark

Advertisements

2 thoughts on “Electric Bill sa Pinas

  1. Sana hindi na lang yelo ang ibinandera ni Juday:

    Nung panahon na iyon, ang crisis sa bigas ang nangunguna
    sa mga balita;

    Sana nagturo na lang siya kung paano ang pagsaing ng bigas
    para konti lang o wala sanang kanin na magdikit sa rice cooker

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s