Havaianas VS Spartan


Pangalan: Havaianas

Lugar na Pinanggalingan: São Paulo, Brazil

Pagbigkas:

ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)

hah-vee-ah-naz (American English)OMG!

hAH- va- yaH-naZz (Filipino)

Materyal na Ginamit: Malupit na goma (High-quality rubber).

Presyo: Hindi ko alam. Ganito na lang,1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan

Mga Nagsusuot: Mga konyotik at mga mayayaman.

Malulupit na Katangian at Kakayahan:

– Masarap isuot.

– ‘Shock-absorbent ‘

– Malambot ngunit matibay.

– Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy.

– Maaaring isuot sa loob ng Starbucks.

– Mainam na pang-japorms.

– Mainam i-terno sa iPod at Caramel Macchiato.

– Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa.

– Maaari ka nang magdi-kwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan.

– Magiging ‘fashionable’ ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy.

Olats ma mga Katangian:

– Mahal!Mahal!Mahal!_____ _____ _____ _____ _____ _____ _____ __

Pangalan: Spartan

Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila , Philippines

Pagbigkas:

spar-tan (American English)

is-par-tan (Filipino)

Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber).

Presyo: Wala pang P50. Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.

Mga Nagsusuot: Ang masa! Nyahaha!

Malulupit na Katangian at Kakayahan:

– Maaring ipampatay sa ipis.

– Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho.

– Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan.

– Pwedeng ipamalengke.

– Mainam gamitin sa tumbang-preso.

– Mainam gawing ‘shield’ kapag naglalaro ng espa-espadahan.

– Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko.

– Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno.

– Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi.

– Kapag ginupit-gupit nang pahugis ‘cube,’ e maaari mo nanggawing pamato sa larong Bingo na kadalasang makikita sa mga lamay ng patay).

Olats na mga katangian:

– Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang hisura.

– Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa.

– Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas

Advertisements

17 thoughts on “Havaianas VS Spartan

    • You’re right! If you’re really practical, you’ll buy Spartan but if you have the money, you can buy Havaianas. I have a pair of Havaianas flip flops and been using it for 2 years.

  1. WEAR ORIGINAL!
    ORIGINAL DIN NAMAN ANG SPARTAN D BA? ATLEAST,WALANG IMITATION ANG SPARTAN. bwahahahahaha!
    i-SPARTAN! i-SPARTAN! i-SPARTAN!

  2. ok ang havaianas khit imitation ung iba atleast havaianas ang brand db…………ok nman ung clas A super sulit dn…………………..

    • Wala naman masama sa imitation. Kung walang pera, mag-imitation na lang. Kung meron naman, eh di bumili ng original. Depende na lang talaga sa resources.

  3. nice one!!! funny funny comparison! :).. I enjoyed reading this especially the way on how you described both brands..astig! Havaianas is good however it’s really expensive!!! as for Spartan it’s sariling atin so go for it!!! Grab 1 now! TANGKILIKIN ANG SARILING ATIN!!! 😀

  4. hahaha! funny! I like it… naalala ko tuloy nung bata pa ako kung san san ko ginagamit ang tsinelas ko. For me kahit ano pa yang tsinelas na suot mo kung me kukuripcouture (kukong mukang tinorture) ka naman at luyaerts (hugis luya-ginger) ang daliri wal rin… Mukang mumurahin parin ang tsinelas mong suot.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s